Back to Top

LOVE and BRAIDS.

love is like a braid.
it can be in different forms,
indeed wonderful and beautiful.
but along the way,
there would be some mess,
and when you can't handle it anymore,
you have to start all over again.
Wala ng next sem.

Kanina habang nagbabasa ako ng libro, may pumasok sa isip ko. Wala lang. Naalala ko ang mga kaklase ko sa college. Lalong lalo na ang barkada ko. Naalala ko ang pagtambay namin sa room kung saan masaya kaming naglalaro, nagkukwentuhan at nagkukulitan.

Naalala ko yung tuwing may ipapakilalang manliligaw o espesyal na tao ang isa samin at sabay sabay naming iwewelcome yun sa grupo at kikilalanin. Ang saya lang.

Pero bigla akong nalungkot, kasi huli na ito. Wala ng next sem para tumambay sa school pag walang klase. Wala ng next sem para pumunta sa mall pag maagang dinismiss. Wala ng next sem para pagusapan ang mga prof at projects na di pa tapos. Wala ng next sem para magdala ng boyfriend sa school at ipakilala sa mga kaibigan. Wala ng next sem para isuot ang id sa gate at alisin pagkalagpas. Wala ng next sem para pagusapan ang mga kaweirdohan ng isat isa gayundin ang kaweirdohan ng iba pang kaklase. Wala ng next sem para magovernight sa mga production. Wala ng next sem para tumambay at kumain ng sabay sabay. Wala ng next sem para makakuha ng kickback.

Wala ng next sem para sa mga exam at quiz na pinagpupuyatan tapos hindi naman mapeperfect. Wala ng next sem para magcheck ng grades sa SIS. Wala ng next sem para mangakong magaaral muli. Wala na. Wala na talaga.

Malungkot pala grumaduate. Malungkot kasi tapos na ang school. Malungkot kasi hiwahiwalay na kami at malungkot kasi walang kasiguraduhan na mapapanatili namin ang solid na samahan. Malungkot kasi hindi namin alam kung lahat ba kami ay magkakaroon ng magandang buhay. Malungkot. Oo. Kung iisipin malungkot.

Pero sa kabila ng lahat, dapat maging masaya. Kasi hindi kami nagaral ng apat na taon sa kolehiyo para malungkot. Hindi namin hinintay ang araw na ito para magemo. Hindi naghirap ang magulang namin para lang malungkot kami.

Ito ang pinakamagandang bahagi ng buhay eskwela. Ang mahawakan ang diploma at matanggap ang medalya. Ang yakapin ng mga magulang at sabihing proud sila sayo.ang magpapicture sa mga kaibigan habang nakatoga. Ang saya. Hindi to imahinasyon. Abot kamay na ito. Kaya lahat ng lungkot ay worth it. Tara na’t ngumiti. Dahil wala ng mas sasaya pa sa Ngiting tagumpay. :)

Prepared!
I Braided my own hair. Lovely Soft locks. :) #braid #hair #hairstyle #dutchbraid #frenchbraid #lovelylocksofhair #inspiration #instagram
Singing songs of praise with this lovely guitar as accompaniment. :) oh how I love to worship Him. :) #God #Jesus #faith #religion #christian #Lord #inspiration #happy #fulfilled #joy #love
I just don’t love books. I also love bookmarks! #books #bookmark #inspiration #creative #design #Jesus #Christ #God #verses #bible
This is how my bible looks. I covered it with pink and cutted out letters to remind me of Jesus even after I finished reading. :) #Jesus #bible #christian #God #savior #inspiration #religion #faith
Missing the high school musical? I know you do! Post pics of your collections and memorabilias. Relive the hsm fever tru instagram. Toodles! Hashtag #HSMmemories #HighschoolMusical #wildcat #memories #inspiration #disney
Great sketch! I look like me! :)) #sketch #art #instagram #people #hair #updo #bun
Today is a happy day! Gotta fake my sketch :))
Soul searching? Roofdeck is the perfect place. :) #instagram #instapic #roofdeck #beauty #creation #heaven #love #environment #clouds #sunset #inspirations